oh, you suck!

fil. shit.

Noon, Ngayon, Bukas at
Magpakailanman

 Kung sino ako nuon, ang importante
ay natuto ako. Kung sino ako ngayon,
ang mahalaga ay nasa tamang lugar ang aking mga prioridad.
At kung sino man ako bukas, hindi ko alam. Kung sino ang makakasama ko sa panahong
iyon, wala na sa kamay ko ‘yun. Basta’t alam ko na nabubuhay ako sa mga tamang
dahilan. Pero, kung meron mang isang bagay na gusto kung makamit sa panahong
iyon, iyan ay simple lang. Iyon ay maging masaya subalit ang problema, mabait
kahit mahirap ang aking pinagdadaranas at maging tunay sa aking sarili kahit
napapaligiran ako ng mga hipokritang tao. Hindi ko kailangang tumira sa
malaking bahay, magsuot ng mamahaling alahas o damit o mabuhay ng
extrabaganting kabuhayan. Hindi importante sa akin iyon. Hindi nuon, ngayon o
bukas. Gusto ko lang yung tipung buhay na napapaligiran ako ng mga taong mahal
ko at walang dudang nagmamahal din sa akin. Gusto ko mabuhay ng buhay na
mayaman – mayaman sa pag- ibig. ‘Yun ang tutuo kong ambisyon.

             Sa mundo ngayon, merong mga taong
takot mamatay. Mga taung natatakot maiwan ang buhay na mahal nila at ang mga
taung may malaking epekto sa kanila. Pero, sa lahat ng bagay na dapat
ikatatakot, hindi kamatayan ang sa akin. Sa tutuo lang, hindi ako natatakot
mamatay, takot ako sa kinabukasan. (
Troy)
Takot ako sa mga opportunidad na hindi ko nagawa na lilipas sa akin, takot ako
na masaktan at natatakot akong makitang nasasaktan ang mga mahal ko sa buhay. Sa
tutuo lang, iyan ang mga paktor kung bakit minsan ako’y umiiwas sa
pangaambisyon at sa pananaginip. Pero, ganun talaga ang buhay, dapat tayong
matuto sa ating mga pagkakamali at ayusin ito. Ciguro, yan talaga ang tunay sa
dahilan kung bakit sumisikap ang araw tuwing umaga.
Para
magpa-alala na ang ngayon ay hindi pangako, ngunit ito ay isang pagkakataon.
Kahit magulo ang buhay minsan, kahit ang sarap nang bumigay, dapat natin
tandaan na, nandito tayo at nabubuhay dahil iyon ang hiling ng Diyos.

 
          Balang
araw, gusto ko sanang makatulong sa maraming tao. Gusto kong mag bigay sa mga
nangangailan at ipakita sa kanila kung paano ka ganda ang buhay. Gusto kong
ipadama sa kanila na habang merong tao sa mundo, merong mga taong bibigay ng
tulong sa mga hihingi nito. Balang araw, gusto kong ipakita sa mga tao ang prutas
ng pagsisikap. Gusto kong makita ang ngiti nila habang nakatingin sa akin at
marinig sa kanila na sila’y masaya para sa akin. Gusto kong magkaruon ng
pamilya na matuturuan ko kung gaano ka ganda ang buhay kapag na bubuhay tayo sa
Diyos at alam natin kung sinu-sino tayo bumibigay ng respeto. Pero ang tunay
kong hinihiling sa buhay ko ay malaman ang tunay na dahilan kung bakit ako
nabubuhay at kung ano ang maigagawa ko para maparaya ko ang pangalan ng Diyos. Sana isang araw, makamit
ko ang lahat na ito. Pero, habang hindi pa dumadating ang panahong yun,
nakakaya kong sumisikap ng kaligayahan sa pagsisikap ng araw tuwing umaga at
ang paglulubong nito tuwing gabi. Dahil ito ang symbolo ng Diyos sa akin na
habang akoi naniniwala sa kanya, sisikap ang araw ang lilinawagin ang buhay ko.

yeah, i know it gets pretty fucked up in the end. but, gaaah

You may also like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.